Sunday...
Two sundays in a row has been special... Last week and just this Sunday.
Both: I have to wake up early, not to stay home the whole day, I'm with people, go home a little late at night, get to bed physically tired and sleepy... thanking people your with for that great day. Waking up Monday morning filled with a wonderful memories, staying long in bed and still thinking how that Sunday was... then smile then reminisce again then sleep...hehe.. :-)
Last Sunday: unforgetable... Really...
Just this Sunday: saya...
We went to Mayapa for an activity.
I missed the group, I missed Fr. GC, I missed the feeling of kaba, saya, pagod of being a faci. Everything went well on the activity. :-)
I missed dancing on the animation songs and laughing hard after the activity for our bloopers, the walang katapusang picture taking... as always
After merienda, tawanan, at walang katapusan pagpaplano ano na gagawin namin, we then decided to go to Don Bosco Canlubang to attend the mass. Being in that place is really something, I even said and joked a friend with this lines "hayy this place, it started here and it ended here..." hehe... nakakatuwang pa rin bumalik sa lugar na yun. :-)
I was also given a time to have a little kamustahan with Ron, then we went to the Grotto for some picture taking, then dahil dinner time na, we asked Ate Lolit on where to eat... saan? Sa TATLONG BUTAS... favorite place daw un ng mga seminarians at mga pari... umm... lahat kami naexcite kaya hala... sugod kami dun.
Madalim at lubak-lubak ang daan, ang ingay namin sa loob ng van at naglolokohan na wala na ata kami sa Laguna dahil medyo malayo sya.
Matapos ang road trip na yun, finally... narating namin ang Tatlong butas Resto.
Bakit yun ang name? may 3 tindahan na magkakatabi na halos pare-pareho ng laki at itsura, imagine a foodcourt but karenderia style. at sympre, papahuli ba naman kami, sugod kami sa may videoke at halos na-occupy namin ang isang store...
Imagine what happened next, hala papalit ng barya at pili ng kanta... concert na itoh! Song and dance ang gimik namin. Ang saya! Talented ang mga tao... tsk... :-) Lahat ata eh all out sa pagkanta at sayaw... kawawa si Jeff, ginawa naming concert king ng gabi.
Di ko na namalayan nakailang 5 peso coins kami. Minalat din ata ako sa kakatawa.
Dahil napagod lahat sa concert, pagdating ng aming order na pansit (ang dami, fiesta!) at halo-halo, hala... deadma na sa videoke, background music na lang nami sya at lahat busy na kumain. Ilang songs pa bago umuwi, Hayy, napagod kami but ang saya ng gimik na yun. Ang daming video at picture, ebidensya! haha...
Pagalis namin, sumumpa kaming hindi na babalik dahil sa aming ginawa...hahahah.... joke! masarap ang food at mura talaga.
-----
Well, salamat at maraming makabuluhang nangyayari sa dalawang Linggong nakalipas. :-)
